top of page
Search

KATAPATAN SA DIYOS SA GITNA NG PAGDURUSA

  • May 18, 2020
  • 1 min read

Ebanghelyo — Juan 15:26–16:4a

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu ng Katotohanan, ang paparito mula sa Ama. Susuguin ko siya sa inyo buhat sa Ama, at siya ang magpapatotoo tungkol sa akin. At magpapatotoo rin kayo tungkol sa akin, sapagkat sa pasimula pa’y kasama ko na kayo.

“Sinasabi ko ito sa inyo upang huwag kayong mawalan ng pananalig sa akin. Palalayasin nila kayo sa mga sinagoga. Darating ang panahon na ang sinumang pumatay sa inyo at mag-aakalang naglilingkod siya sa Diyos. At gagawin nila ito sapagkat hindi nila ako nakikilala ni ang Ama. Ito’y sinasabi ko sa inyo upang, pagdating ng oras na gawin nila, maalaala ninyong ipinagpauna ko na ito sa inyo.”

 
 
 

Comments


© 2020 by  Archdiocese of Lipa Biblical Apostolate. Proudly created with Wix.com

  • Facebook
bottom of page