top of page
Search
lipabible

ANG UTOS NA MAGMAHAL

MAIKLING PAGNINILAY

Ebanghelyo — Juan 15:12-17

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ito ang aking utos: mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo. Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Kayo'y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang mga utos ko. Hindi ko na kayo inaaring alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, inaari ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama. Hindi kayo ang pumili sa akin; ako ang pumili at humirang sa inyo upang kayo’y humayo at mamunga, at manatili ang inyong bunga. Sa gayun, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ipagkakaloob sa inyo. Ito ang inuutos ko sa inyo: mag-ibigan kayo.”


Unang Pagbasa — Mga Gawa 15:22-31

Noong mga araw na iyon, minabuti ng mga apostol, ng matatanda, at ng buong simbahan na pumili ng ilan sa kanila upang suguin sa Antioquia, kasama nina Pablo at Bernabe. At sinugo nila ang mga pangunahin ng mga kapatid: si Judas na tinatawag na Barsabas, at si Silas. Ipinadala nila ang sulat na ganito ang nilalaman: “Kaming mga apostol at matatanda ay bumabati sa mga kapatid na Hentil sa Antioquia, sa Siria at Cilicia. Nabalitaan naming ginugulo kayo ng ilang kasamahang galing dini, bagamat hindi namin sila inutusan. Di-umano’y binabagabag kayo sa pamamagitan ng kanilang sinasabi. Kaya’t napagkaisahan naming magpadala sa inyo ng mga sugo. Kasama sila ng ating minamahal na Bernabe at Pablo, na di nag-atubiling itaya ang kanilang buhay sa paglilingkod sa ating Panginoong Hesukristo. Sinusugo nga namin sa inyo sina Judas at Silas upang ipaliwanag sa inyo ang nasasaad sa sulat na ito. Sa udyok ng Espiritu Santo, ang naging pasiya namin ay huwag na kayong atangan ng iba pang pasanin maliban sa mga bagay na talagang kailangan: huwag kayong kakain ng anumang inihandog sa mga diyus-diyusan, ng dugo, at ng hayop na binigti. Huwag kayong makikiapid. Layuan ninyo ang mga bagay na ito, at mapapabuti kayo. Paalam.” Pinayaon ang mga sugo. Pagdating sa Antioquia, tinipon nila ang mga kapatid at ibinigay ang sulat. Pagkabasa sa liham, ang mga tao’y nagalak dahil sa kanilang narinig. Salmo 56:8-9, 10-12

Naghahanda ako, O Diyos, ako ngayon ay handa na, purihin ka at awitan, ng awiting masisigla. Gumising ka, katawan ko, gumising ka, kaluluwa, gumising ka’t tugtugin mo yaong lumang lira’t alpa; tumugtog ka at hintayin ang liwayway ng umaga. Sa gitna ng mga bansa kita’y pasasalamatan; Poon, ika’y pupurihin sa gitna ng mga hirang. Pag-ibig mong walang maliw ay abot sa kalangitan, nadarama sa itaas ang lubos mong katapatan. Ihayag mo sa itaas ang taglay mong kabantuga’t dito naman sa daigdig ay ang iyong kaningningan!

9 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page