top of page
Search
lipabible

HUWAG HUMIWALAY KAY JESUS

MAIKLING PAGNINILAY


Ebanghelyo — Juan 15:1-8

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-alaga. Pinuputol niya ang bawat sangang hindi namumunga; at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang namumunga upang lalong dumami ang bunga. Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi ko sa inyo. Manatili kayo sa akin at mananatili ako sa inyo. Hindi makapamumunga ang sangang hindi nananatiling nakakabit sa puno. Gayun din naman, hindi kayo mananatili sa akin. “Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin. Ang hindi nananatili sa akin ay itatapon at matutuyo, gaya ng sanga. Ang gayong mga sanga ay titipunin at susunugin. Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang salita ko, hingin ninyo ang inyong maibigan, at ipagkaloob sa inyo. Napararangalan ang Ama kung kayo’y namumunga nang sagana at sa gayo’y napatutunayang mga alagad ko kayo.”


Unang Pagbasa — Mga Gawa 15:1-6

Noong mga araw na iyon, may ilang taong dumating sa Antioquia, mula sa Judea, at itinuro sa mga kapatid ang ganito: “Kapag hindi kayo nagpatuli ayon sa Kautusan ni Moises, hindi kayo maliligtas.” Tinutulan ito nina Pablo at Bernabe at naging mainitan ang kanilang pagtatalo tungkol dito. Kaya’t napagkaisahang papuntahin sa Jerusalem sina Pablo at Bernabe at ang ilan pang kapatid sa Antioquia, upang makipagkita sa mga apostol at sa matatanda tungkol sa suliraning ito. Sinugo nga sila ng simbahan, at pagdaan nila sa Fenicia at Samaria, ibinalita nila ang pagkahikayat sa mga Hentil. Ito’y labis na ikinagalak ng mga kapatid. Pagdating sa Jerusalem, malugod silang tinanggap ng mga apostol, ng matatanda, at ng buong simbahan, at isinalaysay nila ang lahat ng isinagawa ng Diyos, sa pamamagitan nila. Ngunit tumindig ang ilang mananampalatayang kabilang sa pangkat ng mga Pariseo, at ang sabi nila, “Kailangang tuliin ang mga Hentil na sumasampalataya, at utusang tumupad sa Kautusan ni Moises.” Nagpulong ang mga apostol at ang matatanda upang pag-aralan ang suliraning ito.


Salmo 122:1-2, 3-4a, 4b-5

Ako ay nagalak, sa sabing ganito:“Sa bahay ng Poon ay pumasok tayo!”Sama-sama kami matapos sapitin,ang pintuang-lungsod nitong Jerusalem. Yaong Jerusalem, kay ganda ng anyo,maganda ang ayos nang muling matayo.Dito umaahon ang lahat ng angkan,lipi ng Israel upang magsambahan. Ang hangad, ang Poon ay pasalamatan,pagkat ito’y utos na dapat gampanan.Doon din naroon ang mga hukumanat trono ng haring hahatol sa tanan.

26 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page