top of page
Search
lipabible

HUWAG MATAKOT, HUWAG MANGAMBA

MAIKLING PAGNINILAY


Ebanghelyo — Juan 14:1-6

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayun, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko. At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.” Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?” Sumagot si Hesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.”

Unang Pagbasa — Mga Gawa 13:26-33 Noong mga araw na iyon, nang dumating si Pablo sa Antioquia ng Pisidia, siya ay pumasok sa sinagoga at sinabi: “Mga kapatid kong mula sa lahi ni Abraham, at mga taong may takot sa Diyos: tayo ang pinadalhan ng balitang ito tungkol sa kaligtasan. Hindi kinilala ng mga naninirahan sa Jerusalem at ng kanilang mga pinuno na si Kristo ang Tagapagligtas. Hindi rin nila inunawa ang mga hula ng mga propeta, na binabasa tuwing Araw ng Pamamahinga; ngunit sila na rin ang nagsakatuparan ng hulang iyon nang hatulan nila ng kamatayan si Hesus. Bagamat wala silang sapat na katibayan para siya’y hatulan ng kamatayan, hiniling pa rin nila kay Pilato na siya’y ipapatay. At nang matupad na nila ang lahat ng nasusulat tungkol sa kanya, ibinaba nila ito sa krus at inilibing. Subalit siya’y muling binuhay ng Diyos, at sa loob ng maraming araw ay napakita sa mga sumama sa kanya nang siya’y pumunta sa Jerusalem mula sa Galilea. Ngayon, sila’y mga saksi niya sa mga Israelita. At narito kami upang ipahayag sa inyo ang Mabuting Balita. Ito ang pangako ng Diyos sa ating mga ninuno na kanyang tinupad sa atin nang muli niyang buhayin si Hesus. Ito ang nasusulat sa ikalawang awit:‘Ikaw ang aking Anak, Ako ang iyong Ama.’”

Salmo 2:6-7, 8-9, 10-11

Tungkol sa ‘kin ay sinabi ng Poong D’yos: “Sa bundok kong mahal, sa tuktok ng Sion, aking iniluklok ang haring Marangal.” Ganito ang sabi ng lingkod ng Poon na hari sa Sion: “Aking ihahayag ang ipinag-utos nitong Panginoon, ‘Ikaw ang anak kong pinakamamahal, at magmula ngayon, Ako namang ito ang giliw mong ama sa habang panahon. Hingin mo sa akin ang lahat ng bansa, at ibibigay ko, anumang narito sa buong daigdig ay magiging iyo. Pamamahalaan mo ng kamay na bakal ang lahat ng ito, tulad ng palayok, durugin mo sila sa mga kamay mo.’” Kayong mga hari at tagapamuno sa lahat ng bansa, mangag-ingat kayo at magpakabuti sa pamamahala; ang Panginoong Diyos inyong paglingkura’t katakutang lubha.

3 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page