top of page
Search
lipabible

KAPANGYARIHAN MULA KAY JESUS

MAIKLING PAGNINILAY

Ebanghelyo — Juan 6:60-69

Noong panahong iyon, marami sa mga alagad ni Hesus ang nagsabi, “Mabigat na pananalita ito; sino ang makatatanggap nito?” Alam ni Hesus na nagbubulung-bulungan ang kanyang mga alagad tungkol dito, kaya’t sinabi niya, “Dahil ba rito’y tatalikuran na ninyo ako? Gaano pa kaya kung makita ninyong umaakyat ang Anak ng Tao sa dati niyang kinaroroonan? Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng laman. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay Espiritu at buhay. Ngunit may ilan sa inyong hindi nananalig sa akin.” Sapagkat talastas ni Hesus buhat pa noong una kung sinu-sino ang hindi nananalig sa kanya, at kung sino ang magkakanulo sa kanya. Idinugtong pa niya, “Iyan ang dahilan kaya ko sinabi sa inyo na walang makalalapit sa akin malibang loobin ito ng Ama.” Mula noo’y marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na sumama sa kanya. Kaya’t tinanong ni Hesus ang Labindalawa, “Ibig din ba ninyong umalis?” Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Naniniwala kami at ngayo’y natitiyak naming kayo ang Banal ng Diyos.”


Unang Pagbasa — Mga Gawa 9:31-42

Noong mga araw na iyon, naging matiwasay ang Simbahan sa buong Judea, Galilea at Samaria. Ito’y tumatag at lumaganap sa tulong ng Espiritu Santo at namuhay na may pagkatakot sa Panginoon. Naglalakbay noon si Pedro upang dumalaw sa mga kapatid sa pananampalataya. Sa pagdalaw niya sa mga kapatid sa Lida, natagpuan niya roon ang isang lalaking nagngangalang Eneas. Ito’y paralitiko at walong taon nang nararatay. “Eneas,” ani Pedro, “. Tumindig ka’t ayusin mo ang iyong higaan!” At tumindig siya agad. Nakita siya ng lahat ng naninirahan sa Lida at Saron, at nanampalataya sila sa Panginoon. Sa Jope naman, may isang alagad na babae, ang pangala’y Tabita. Sa Griego, ang kanyang pangalan kay Dorcas, na ang ibig sabihi’y usa. Ginugugol niya ang kanyang panahon sa paggawa ng mabuti at pagkakawanggawa. Nang mga araw na iyon, siya’y nagkasakit at namatay. Nang mapunasan na ang bangkay, ito’y ibinurol sa silid sa itaas. Di kalayuan sa Jope ang Lida. Nang mabalitaan ng mga alagad na naroon si Pedro, inutusan nila ang dalawang lalaki upang siya’y pakiusapang pumunta agad sa Jope. Sumama naman sa kanila si Pedro. Pagdating doon, dinala siya sa silid sa itaas. Agad lumapit sa kanya ang mga babaing balo na nananangis at ipinakikita ang mga balabal at mga damit na ginawa ni Dorcas noong ito’y nabubuhay pa. Pinalabas ni Pedro ang lahat; siya’y lumuhod at nanalangin. Pagkatapos, humarap siya sa bangkay at sinabi, “Tabita, bumangon ka!” Dumilat si Tabita at naupo nang makita si Pedro. Hinawakan ni Pedro ang kanyang kamay at tinulungan siyang tumindig. Pagkatapos, tinawag niya ang mga banal at ang mga babaing balo at iniharap sa kanila si Dorcas na buhay na. Nabalita ito sa buong Jope, kaya’t marami ang sumampalataya sa Panginoon.

Salmo 115:12-13, 14-15, 16-17

Sa Diyos ko’t Panginoon, ano’ng aking ihahandog sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob? Ang handog ko sa dambana, ay inumin na masarap, bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas. Sa tuwinang magtitipon ang lahat ng kanyang hirang, ang anumang pangako ko, ay doon ko ibibigay. Masakit sa kalooban ng Poon kung may papanaw, kahit ito ay iisa, labis siyang magdaramdam. Panginoon, naririto akong inyong abang lingkod, katulad ng aking ina, maglilingkod akong lubos; yamang ako’y iniligtas, kinalinga at tinubos. Ako ngayo’y maghahandog ng haing pasasalamat, ang handog kong panalangi’y sa iyo ko ilalagak.

10 views0 comments

Recent Posts

See All

Bình luận


bottom of page