top of page
Search
lipabible

KILALA KA NI JESUS

MAIKLING PAGNINILAY



Ebanghelyo — Juan 10:22-30

Taglamig na noon. Kasalukuyang ipinagdiriwang sa Jerusalem ang Pista ng Pagtatalaga ng templo. Naglalakad si Hesus sa templo, sa Portiko ni Solomon. Pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kanya, “Hanggang kailan mo kami pag-aalinlanganin? Kung ikaw ang Kristo, sabihin mo na nang tiyakan.” Sumagot si Hesus, “Sinabi ko na sa inyo, ngunit ayaw ninyong maniwala. Ang mga ginagawa ko sa ngalan ng aking Ama ay nagpapatotoo tungkol sa akin. Ngunit ayaw ninyong maniwala, sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa. Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanma’y di sila mapapahamak; hindi sila maaagaw sa akin ninuman. Ang aking Ama, na nagbigay sa kanila sa akin, ay lalong dakila sa lahat, ay hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama. Ako at ang Ama ay iisa.”


Unang Pagbasa — Mga Gawa 11:19-26

Noong mga araw na iyon, ang mga mananampalataya ay nagkahiwa-hiwalay dahil sa pag-uusig na nagsimula nang patayin si Esteban. May nakarating sa Fenicia, sa Chipre at sa Antioquia. Saan man sila makarating, ipinangangaral nila ang salita, ngunit sa mga Judio lamang. Subalit may kasama silang ilang taga-Chipre at taga-Cirene na pagdating sa Antioquia ay nangaral naman sa mga Griego ng Mabuting Balita tungkol sa Panginoong Hesus. Sumakanila ang kapangyarihan ng Panginoon at maraming naniwala at nanalig sa Panginoon. Nabalitaan ito ng simbahan sa Jerusalem, kaya’t sinugo nila sa Antioquia si Bernabe. Nang dumating siya roon at makita ang pagpapala ng Diyos sa kanila, siya’y nagalak at pinagpayuhan silang lahat na manatiling tapat sa Panginoon. Mabuting tao si Bernabe, puspos ng Espiritu Santo at matibay ang pananampalataya, kaya marami siyang nadala sa Panginoon. Nagpunta si Bernabe sa Tarso upang hanapin si Saulo, at nang kanyang matagpuan ay isinama sa Antioquia. Isang taong singkad silang nanatili roong kasa-kasama ng simbahan, at nagturo sa maraming tao. At doon sa Antioquia unang tinawag na Kristiyano ang mga alagad.

Salmo 86:1-3, 4-5, 6-7

Sa bundok ng Sion, itinayo ng Diyos ang banal na lungsod. ang lungsod na ito’y higit niyang mahal sa alinmang bayan ng angkan ni Jacob. Kaya’t iyong dinggin ang ulat sa iyong mabubuting bagay, O lungsod ng Diyos. “Pag itinala ko yaong mga bansang sa iyo’y sasama, aking ibibilang ang bansang Egipto at ang Babilonia; ibibilang ko rin yaong Filistia, Tiro at Etiopia. “At tungkol sa Sion, yaong sasabihi’y, “Ang lahat ng bansa ay masasakupan, siya’y palalakasin at patatatagin ng Kataas-taasan.” Ang Poon ay gagawa, ng isang talaan ng lahat ng taong doo’y mamamayan, ang lahat ng ito ay magsisiawit at pawang sasayaw.

19 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page