top of page
Search
lipabible

MAPALAD ANG NAGLILINGKOD SA KAPWA

MAIKLING PAGNINILAY


Ebanghelyo — Juan 13:16-20 Nang mahugasan na ni Hesus ang mga paa ng kanyang mga alagad, sinabi niya sa kanila: “Sinasabi ko sa inyo: ang alipin ay hindi dakila kaysa kanyang panginoon, ni ang sinugo kaysa nagsugo sa kanya. Kung nauunawaan ninyo ang mga bagay na ito at inyong gagawin, mapapalad kayo. “Hindi para sa inyong lahat ang sinasabi ko; nakikilala ko ang aking mga hinirang. Ngunit dapat matupad ang nasasabi sa Kasulatan, ‘Ako’y pinagtataksilan ng taong pinakakain ko.’ Sinasabi ko ito sa inyo bago pa mangyari upang, kung ito’y mangyari na, ay manalig kayo na ‘Ako’y si Ako Nga.’ Tandaan ninyo: ang tumatanggap sa sinugo ko’y tumatanggap sa akin; at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin.”

Unang Pagbasa — Mga Gawa 13:13-25

Mula sa Pafos, si Pablo at ang kanyang mga kasama ay naglayag, at dumating sa Perga ng Panfilia; ngunit humiwalay sa kanila si Juan at nagbalik sa Jerusalem. Mula sa Perga, nagpatuloy sila at dumating sa Antioquia ng Pisidia. Nang Araw ng Pamamahinga, pumasok sila sa sinagoga at naupo. Matapos ang pagbasa sa ilang bahagi ng mga aklat ng Kautusan at ng mga propeta, nagpasabi sa kanila ang mga tagapamahala ng sinagoga, “Mga kapatid, kung mayroon kayong iaaral sa mga tao, magsalita na kayo!” Kaya’t tumayo si Pablo at sinenyasan silang tumahimik. “Mga Israelita at mga taong may takot sa Diyos – makinig kayo! Ang Diyos ng ating bansang Israel ang humirang sa ating mga ninuno. Sila’y ginawa niyang isang malaking bansa samantalang naninirahan sa lupain ng Egipto, inilabas doon sa pamamagitan ng kanyang dakilang kapangyarihan, at pinagtiisan sa ilang sa loob ng halos apatnapung taon. Pagkatapos niyang lipulin ang pitong bansa sa lupain ng Canaan, ipinagkaloob sa kanila ang lupain ng mga iyon sa loob ng halos apatnaraa’t limampung taon. “Pagkatapos, sila’y binigyan niya ng mga hukom hanggang kay Propeta Samuel. Nang humingi sila ng hari, ibinigay sa kanila ng Diyos ang isang lalaki mula sa lipi ni Benjamin, si Saulo na anak ni Cis. Naghari si Saulo sa loob ng apatnapung taon. At nang siya’y alisin ng Diyos, inihalili si David upang maghari sa kanila. At ganito ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanya. ‘Natagpuan ko kay David na anak ni Jesse ang lalaking nakalulugod sa akin, isang lalaking handang tumupad sa lahat ng iniuutos ko.’ Mula sa angkan ng lalaking ito ipinagkaloob ng Diyos sa Israel si Hesus, ang kanyang ipinangakong Tagapagligtas. Bago siya dumating, ipinangaral ni Juan sa buong Israel na dapat nilang pagsisiha’t talikdan ang kanilang mga kasalanan, at pabinyag. Nang matapos na ni Juan ang kanyang gawain, sinabi niya sa mga tao, ‘Sino ba ako sa akala ninyo? Hindi ako ang Kristo. Ngunit siya’y darating na kasunod ko. At hindi ako karapat-dapat kahit taga-alis ng panyapak.’”


Salmo 88:2-3, 21-22, 25 at 27 Pag-ibig mo, Poon, na di magmamaliw ang sa tuwi-t’wina’y aking aawitin; ang katapatan mo’y laging sasambitin, yaong pag-ibig mo’y walang katapusan, sintatag ng langit ang ‘yong katapatan. Ang piniling lingkod na ito’y si David, aking pinahiran ng banal na langis. Kaya’t palagi ko siyang aakbayan at siya’y lalakas sa aking patnubay. Ang pagtatapat ko’t pag-ibig na wagas, ay iuukol ko’t aking igagawad, at magtatagumpay siya oras-oras. Ako’y tatawaging ama niya’t Diyos, tagapagsanggalang niya’t Manunubos.

13 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


bottom of page