Sa wikang Griyego, ito ay dikaiosunē.
Ipinapahiwatig nito ang kabanalan at katapatan ng Diyos at ng kanyang bayan (Deut 6:25; Is 48:18). Ang salitang ito ay bahagi ng "coventant vocabulary" na nasa sa buong Bibliya — ibig sabihin, kapag pinag-usapan sa Bibliya ang tipan, mapag-uusapan na rin ang dikaiosunē. Ang salitang ito ay ginamit ng pitong (7) beses sa Ebanghelo ayon kay San Mateo at 85 beses sa iba pang libro ng Bagong Tipan. Ang pagkmatuwid ng Diyos ay katangian ng Kanyang pagiging banal na nahahayag sa pamamagitan ng Kanyang mga gawang nagliligtas at ng Kanyang pangangalaga sa bayang Israel (Deut 32: 4; Is 5:16; 42: 6). Ang Diyos ay matuwid sapagkat ganap Niyang isinasakatuparan ang Kanyang tipan sa Israel bilang banal na Ama. Sa Bagong Tipan, ipinakikita ng Diyos ang Kanyang pagkamatuwid sa pamamagitan ng mga gawang nagliligtas ni Jesukristo. Ang Bagong Tipan ay napagtibay sa pamamagitan ng pagsunod ni Jesus sa Ama (Mat 3:15; Roma 3: 21-26) at ipinahahayag sa Ebanghelyo (Rom 1: 16-17). Para sa bayan ng Diyos, ang pagkamatuwid ay regalo ng Bagong Tipan mula kay Cristo. Ito ay unang ibinigay sa Binyag at tinanggap sa pamamagitan ng pananampalataya (Roma 5:17). Ito ay nagpapahiwatig na ang ugnayan ng tao sa Diyos na nasira ng kasalanan ay napanumbalik na — ang binyagan ay inampong anak ng Diyos. Ang regalong ito ng pagkamatuwid ay maaaring lumago sa pamamagitan ng pag-ibig at pagsunod sa Batas ng tipan ng Diyos (Mat 5:6; 6:33; Roma 6:16; Efe 4:24; 1Pd 2:24; 1 Jn 3: 7).
Base sa Word Study in The Ignatius Catholic Study Bible: The New Testament, Revised Standard Version, Second Catholic Edition, San Francisco 2010.
Comments