top of page
Search
lipabible

USIGIN MAN DAHIL SA SALITA

MAIKLING PAGNINILAY



Ebangehelyo — Juan 6:35-40

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom, at ang nananalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman. “Ngunit sinabi ko na sa inyo: nakita na ninyo ako, gayunma’y hindi kayo nananalig sa akin. Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama. At hindi ko itataboy ang sinumang lumalapit sa akin. Sapagkat ako’y bumaba mula sa langit, hindi upang gawin ang kalooban ko, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. At ito ang kanyang kalooban: huwag kong pabayaang mawala kahit isa sa mga ibinibigay niya sa akin, kundi muling buhayin sila sa huling araw. Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama: ang lahat ng makakita at manalig sa Anak ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. At sila’y muli kong bubuhayin sa huling araw.”

Unang Pagbasa — Mga Gawa 8, 1b-8

Nagsimula nang araw na iyon ang isang mahigpit na pag-uusig laban sa Simbahan sa Jerusalem. At liban sa mga apostol, lahat ng sumasampalataya ay nangalat sa lupain ng Judea at Samaria. Si Esteban nama’y inilibing ng mga taong may takot sa Diyos, at gayun na lamang ang kanilang panangis. Samantala, sinikap ni Saulo na wasakin ang Simbahan: pinapasok niya ang bahay-bahay at kinakaladkad ang mga sumasampalataya at ibinibilanggo, maging lalaki’t maging babae. Nangalat ang mga mananampalataya, at saanman sila makarating ay ipinangangaral nila ang Salita. Nagpunta si Felipe sa isang lungsod ng Samaria at ipinangaral doon ang Mesias. Nang mabalitaan ng mga tao at makita ang mga kababalaghang ginagawa niya, pinakinggan nilang mabuti ang sinasabi niya. Sapagkat ang masasamang espiritu ay umaalis sa mga taong inaalihan nito at sumisigaw habang lumalabas; maraming lumpo at mga pilay ang napagaling. Kaya’t nagkaroon ng malaking kagalakan sa lungsod na iyon. Salmo 65:1-3a, 4-5, 6-7a

Sumigaw sa galak ang mga nilalang! At purihin ang Diyos na may kagalakan; wagas na pagpuri sa kanya’y ibigay! Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila: “Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga.” Ang lahat sa lupa ika’y sinasamba awit ng papuri yaong kinakanta; ang iyong pangala’y pinupuri nila. Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan. Ang kahanga-hangang ginawa sa tanan. Naging tuyong lupa kahit yaong tubig, at ang nuno natin ay doon tumawid; kaya naman tayo’y nagalak nang labis. Siya’y naghaharing may lakas ang bisig.

4 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page